Uhhh Wednesday

Uhhh Wednesday

Hi Airish,

Nagda-drive ako nung naisip ko itong idea na'to(don't worry, naging careful naman ako hehe). Since ikaw lang naman ang nag-step back e tingin ko I can still do things that will show how important you are to me.

Pumunta kami kina Jaycel kanina, deaf sister siya nung deaf na namatay na nakwento ko sa'yo before. Anak din siya nung bina-bible study ko na si Tatay Eduardo, si Tatay yung kahit pinipilit na maglagay ng cross and magpasugal sa lamay ng anak niya e nag-insist na huwag kasi ayaw ni Jehovah. I learned kanina na si Tatay Ed pala e nag-stop na rin uminom ng alak, dati dinadatnan pa namin sila nagi-inuman kapag ii-study ko siya. Salamat talaga ng marami kay Jehovah kasi pinagpangyari Niya na magbago for the better si Tatay Ed. Dinownload ko yung isang video para i-share sana sa kanya kanina pero umalis sila ng wife niya para lakarin death certificate ng anak nila, so kay Jaycel na lang namin pinapanuod. 

Sablay pa rin drawing ko, pero ito yung takeaway namin sa video na "When a Loved One Dies". You shared before na you also had to go through the grieving process and I'm really sorry you experienced that. I read somewhere na "to love is to have someone to lose". Di naman ginusto ni Jehovah na ma-feel natin yun and naglaan Siya ng maraming mga tulong at suporta para mas kayanin natin yung pagkawala. I think it applies din sa iba pang aspects ng buhay yung 5 takeaways:

1. Patuloy na magpray. Sabi ni Jaycel kanina nung tinanong siya kung nalulungkot pa rin daw siya kapag naaalala kapatid niya, oo raw pero each time e nagpepray siya kay Jehovah and alam niyang nakakatulong yun na mapawi nararamdaman niya. It applies sa iba iba pang pinagdadaanan natin.

2. Wag ilayo ang sarili, naglaan si Jehovah ng mga kaibigan, pamilya, mga kapatid sa espirituwal, para pwede natin pagshare-an ng mga pinapasan natin. I pray na kahit may pinagdadaanan kang di mo pa alam kung pano sabihin sa iba e always kang lumapit kay Jehovah and magkeep ng faith na may mga pinadala Siya para damayan at tulungan ka. Isa ako sa mga yun. Always lang ako andito for you.

3. Wag pabayaan ang sarili sa pagkain and stay hydrated. Minsan mararamdaman natin na parang wala tayong ganang kumain and uminom, pero please sikapin natin para di tayo magkasakit and di natin madisregard yung regalong buhay ni Jehovah at makapaglaan din tayo ng lakas sa pagserve sa kanya.

4. Get enough sleep. Yan yung gift na bigay sa atin to help us physically, mentally, and emotionally recover. Maraming benefits ang sleep sa atin, and I love that you take naps whenever possible at pinahahalagahan mo talaga yung sleep so please ipagpatuloy mo lang hehe

5. Alalahanin lahat ng positive memories nung nawala. I'll let you slowly digest that kasi alam ko na gets mo siya and kung paano siya makakatulong sa'yo to look forward sa mga pwede pang magandang mangyari sa'yo.

Thanks uli for spending time in reading this letter. I pray na sana bigyan pa ako lagi ni Jehovah ng lakas at buhay para mapatibay ka, ma-encourage, as a way of showing I care for you and I cherish you, Airish.

Yung cover photo, taken near sa house nila Apung Gloria, wala na raw siya sa Tarlac, nasa Pampanga na raw. Ini-study siya ng sister ko. Notice some withered parts of the plant? Kahit na may withered parts siya e it gets to bloom beautifully. Reminds us to keep growing. I'm so grateful for you today. I pray na di ka masyadong napagod and nainom mo vitamins mo. Always here for you! Happy early cart witnessing tomorrow!! Always kang kasama sa prayers ko.

Leave a Comment

📎 Click to upload images or videos
0 / 15,000 characters
No comments yet. Be the first to comment!